CAMP BANCASI, Butuan City – Siyam na armadong Communist New People’s Army Terrorists (CNTs) ang kusang sumuko sa Army’s 26th Infantry (Ever Onward) Battallion (26thIB) sa Talacogon, Agusan del Sur, kinumpirma ni Capt. Regie H. Go, Public Affairs Officer (PAO) of the Army’s 4th Infantry (Diamond) Division (4th ID), sa BALITA.

NPA

Sinabi rin ng 4th ID PAO officer na ang siyam na NPA, na kabilang sa CPP-NPA Southern Mindanao Regional Committee (SMRC), ay sumuko sa gobyerno dahil sa pagod nang makipaghabulan at magtago sa mga bundok.

"They (CNTs) also headed the call of peace and they also wanted to live a peaceful and productive life with their respective families," pahayag ni Capt. Go.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Ang mga sumuko ay binubuo ng dalawang commanding officers, isang squad leader, dalawang team leaders, dalawang medics at isang supply officer.

Isinuko rin ng mga ito ang iba’t ibang armas at pampasabog na binubuo ng; dalawang M16 rifles, dalawang US Garand rifles, isang US Carbine rifle, isang improvised M79 Grenade Launcher, tatlong .45 caliber pistols, isang improvised anti-personnel mine, isang hand grenade at iba’t ibang bala.

-Mike U. Crismundo