NASAKSIHAN namin kumakailan kung gaano na lang ang pag-aasikaso ni Willie Revillame sa mga audience niya sa kanyang Wowowin show sa Siyete.
Inuuna niyang bigyan ng jacket at pera ang matatanda sa audience, gayundin ang mga bata. Kasunod noon ang mga grupo-grupo na galing pa sa mga probinsiya.
Araw-araw niyang ginagawa ‘yun simula nang umere ang Wowowin sa Kapuso Network.
Tinanong namin ang isang staff ni Willie kung may plano bang kumandidato si Willie. No. Hindi raw.
May mga katanungan pa kami na dapat sana ay mismong kay Willie na namin itatanong, pero hindi pa man namin siya nalalapitan that time ay sinagot na niya ang aming katanungan nang maglitanya siya on air.
“Ito ang tanging show sa buong mundo na pati pamasahe ng audience ay iniisip ko. Hindi ako makakatulog kung hindi ko magagawa na magbigay ng pamasahe sa mga pumupunta dito para manood.
“Hindi man kalakihan ang naibibigay ko, sa isang taping, may 18 groups or 20 groups na pumupunta dito. Sa tagte-ten thousand [pesos] na lang, kung 18 groups ay one hundred eighty thousand na ‘yon. Pero kung 20 groups ay two hundred thousand. Sa isang linggo may five taping days ang Wowowin. One million na ‘yon.
“Sabi ko nga sa mga staff ko, kahit kumita lang tayo ng piso, maging masaya na tayo. Huwag lang nating pababayaan ang mga audience natin, na hindi man lang maabutan kahit paano.
“Masaya talaga ako kapag nakakapagbigay, at kung hindi, ano, eh, hindi ako makakatulog nu’ng ganun,” seryosong litanya ni Willie.
Sa darating na bakasyon, ang gusto ni Willie ay maglaro ng “Pera o Kahon” ang mga batang taga-probinsiya o mga batang kapos, para maidagdag sa pangmatrikula ng mga ito sa pasukan sa Hunyo.
Para malaman ang mechanics ng mga gustong maglaro, ugaliin lang na manood ng Wowowin simula Lunes hanggang Biyernes, bago mag-24 Oras sa GMA-7.
-MERCY LEJARDE