ISINANTABI ni Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William ‘Butch’ Ramirez ang mga negatibong isyu upang pulugin ang lahat ng mga may kinalamang ahensiya para masiguro ang kahandaan sa 30th Southeast Asian Games na gaganapin sa bansa sa Nobyembre.
Ayon kay Ramirez tanging sa sports lamang nagkakasundo ang bawat Pilipino kung kaya’t napapanahon ang pagkilos para sa bayan.
"As our slogan says, we win as one. We are a divided nation because of politics, beliefs, culture and religion. Let sports through the SEAG be a unifying factor,” pahayag ni Ramirez sa kanyang mensahe sa inter-agency meeting.
Pangunahing alalahanin sa nasabing pulong ang isyu ng seguridad na ipinangako na aayusin ng Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police.
Dumalo din sa pulong si Presidential Management Staff Assistant Secretary Joy Encabo na nagbigay ng kanyang mensahe sa PHISGOC.
"Connect, partner and maximize what the government can offer to help through its agencies. All committees of the PHISGOC should be strengthened by partnering immediately with their counterparts in government," pahayag ni Encabo.
Kasamang dumalo sa nasabing meeting sina PSC Commissioners Arnold Agustin, Celia Kiram at Charles Maxey, pati na si Philippine Olympic Committee (POC) Deputy Secretary General Karen Cabalero, PHISGOC COO Ramon Suzara, at PHISGOC Executive Director Tom Carrasco.
Nakiisa rin ang kinatawan ng Department of Information and Communications Technology, Department of Interior and Local Government, Department of Health, Department of Transportation, Metropolitan Manila Development Authority, PNP-Highway Patrol Group, Department of Trade and Industry, local government of Pasay City at Ang Commission on Higher Education.
-Annie Abad