NAGSIMULA nang makuha ng Panay-Bukidnon ng Calinog, Iloilo ang mga benepisyo ng implementasyon ng P11.2-billion Jalaur River Multipurpose River Phase (JRMP) II sa kanilang lugar.
Idinaos ang seremonyal na groundbreaking at capsule-laying ng proyekto, na inorganisa ng National Irrigation Administration (NIA), bilang hudyat ng simula ng konstruksiyon, kamakailan.
Sa isang panayam, sinabi ni National Irrigation Administration (NIA) 6 (Western Visayas) manager at JRMP II’s concurrent project manager Gerardo Corsiga na nakikipagtulungan na ang ahensiya sa mga katutubo para mapunan ang kanilang mga pangangailangan.
Tinatayang nasa 678 indigenous families sa walong barangay ng Agcalaga, Masaroy, Garangan, Alibunan, Toyungan, Binulosan Pequeño, Cahigon at Guinbunyogan ang inaasahang direktang maaapektuhan ng pagtatayo ng dam ang makikinabang sa proyekto, ayon kay Corsiga.
Tampok sa seremonya ang mga produkto at galing ng mga katutubo na sila mismong naghanda ng pagkain at mga token para sa mga bisita.
Inilarawan naman ni Mayflor Subong Jaganap-Cepeda, na siyang nagsanay sa IPs sa pamamagitan ng Department of Agriculture (DA), ang pagtitipon bilang paraan upang maipakita ng mga Calinog ang kanilang galing.
“We are happy that we can show, not only to the province of Iloilo but also to the whole Philippines, what we have here in our town,” pahayag niya sa isang panayam.
Aniya, ang mga pagkain at token na inihanda ay galing mismo sa bayan.
Habang nasa 30 IPs umano na dumalo sa livelihood training ang nagtuturo na rin ng kanilang kaalamang nakuha sa kanilang mga kapitbahay.
“Our IPs welcome trainings. They are open to new learning, especially (because) they can see for themselves that they can apply their knowledge outright,” aniya.
Ilan sa mga produktong gawa ng IPs na tampok sa seremonya ang mga hammocks at sikat na pagkain katulad ng cassava cake, taro chips, cassava chips, at cassava cupcakes.
PNA