Habang gumugulong ang imbestigasyon ng Philippine National Police at National Bureau of Investigation sa "Momo Challenge", hinikayat ng PNP-Anti-Cybercrime Group ang mga magulang at guro na sundin ang seven-point lesson laban sa nasabing “suicide challenge”.

MOMO

Idinetalye ni Police Brig. Gen. Marni Marcos, Jr., director ng ACG, ang seven-point lesson na inisyu ng National Online Safety, isang grupo ng online safety experts, laban sa Momo Challenge:

1) Tell them it is not real, gaya ng mga urban legends at horror stories.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

2) Be present, dahil mahalagang alam ng mga magulang ang ginagawa ng kanilang anak sa social media.

3) Talk regularly. Mahalaga na pag-usapan ang Momo Challenge

4) Device settings at parental controls. Siguraduhing kontrolado ng mga magulang ang paggamit ng bata sa mga devices sa bahay.

5) Peer pressure. Maaaring maging tukso ang mga usong challenge, dahilan upang makiisa rito ang bata, kahit gaano pa kapanganib

6) Real or hoax. Bilang magulang, natural na mag-alala sa ilang bagay na makikita online na maaaring makasama sa inyong anak, alamin ang totoo sa hindi.

7) Report and block. I-flag at i-report ang anumang nakikitang hindi maganda o nakasasama. I-block ang account/content upang hindi makita ng bata.

“While we have yet to determine where the Momo Challenge originated and who are the individuals perpetuating it, we encourage not only the public but also other law enforcement authorities to form part in spreading awareness to prevent this purported suicide game from affecting and causing harm to our children," sabi ni Marcos.

-Martin A. Sadongdong