KABUUANG 3,000 kabataan mula sa Sisters of Mary Boystown and Girlstown sa Silang, Cavite ang nakibahagi sa Jr. NBA Philippines basketball clinics nitong weekends.

Tinuruan nina Jr. NBA Coaches, sa pangunguna nina Natalia Dos Santos at Jeffrey Cariaso ang mga mga kabataan sa fundamentals ng shooting, passing, dribbling, defending at conditioning, habang naglaan ang Alaska at Gatorade nang kinakailangang nutrisyon at hydration sa mga kalahok.

“Jr. NBA Philippines presented by Alaska distinguishes itself by reinforcing an active lifestyle and instilling positive values for kids while enjoying the game of basketball,” pahayag ni Dos Santos.

“Through the Jr. NBA program, we empower children from varying backgrounds and help them fulfill their potential as young players and future leaders of society.”

Romualdez, pinasalamatan tennis player na si Alex Eala

Nakatakda ring magsagawa ng basketball clinic ang Jr. NBA Philippines para sa Regional Selection Camps sa Lucena (March 9-10), Baguio (March 23-24), Dumaguete (March 30-31), Butuan (April 13-14), at Metro Manila (April 26-27) kung saan pipiliin ang top 40 boys and 40 girls para sa National Training Camp sa Mayo 17-19.

Bukas na ang pagpapatala ng lahok sa Jr. NBA program online sa www.jrnba.asia/philippines, at sundan ang Jr. NBA sa Facebook , www.nba.com atTwitter.