MGA kaganapan at programa sa sports ng volleyball, football at multi-event school-based ang sentro ng usapan sa gaganaping ‘Usapang Sports’ ng Tabloid Organization in Philippine Sports (TOPS) ngayon sa National Press Club (NPC) sa Intramuros, Manila.

Ilalahad ni Philippine Volleyball Federation (PVF) president Edgardo “Tito Boy” Cantada ang walang humpay na outreach grassroots sports program at ang libreng mga torneo sa lalawigan ng asosasyon, sa kabila ng hindi masawatang kontrobersya sa volleyball.

Makakasama n i Cantada sa lingguhang forum na itinataguyod ng Philippine Sports Commission (PSC) si dating Azkals mainstay Anton del Rosario na maglalahad ng kaganapan sa Season 3 ng PhilAm Life 7s Football League and Megaworld 7s Youth League na ginaganap sa McKinley Hill Stadium sa Taguig City.

Magbibigay naman ng update sa talakayan ganap na 10:00 ng umaga si Federation of School Sports Association of the Philippines (FESSAP) president Robert Calo hingil sa paghahanda ng bansa sa 30th Summer Universiade sa Napoli, Italy sa Hulyo, gayundin ang opening ng Philippine Inter-Schools, Colleges and Universities Athletic Association (PISCUAA) sa Marso.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Inaanyayahan ni TOPS president Ed Andaya ng People’s Tonight ang lahat na makiiisa sa talakayaan na mapapanood ng live sa Facebook via Glitter Livestream.