Mojdeh, nag-ala Michael Phelps sa Water Cube ng Beijing

BEIJING – Kung may nagdududa pa sa kakayahan ni Micaela Jasmine Mojdeh, ngayon ang tamang panahon para mabago ang pananaw.

MULING pinahanga ni Micaela Jasmine Mojdeh ang international swimming community sa impresibong walong gintong medalya, tampok ang pitong meet record, kabilang ang 50-meter free style,habang masayang pinagsaluhan ng kasanggang si Julia Basa ang mga medalyang napagwagihan sa Beijing All-Stars Swimming Championships. (MOJDEH FB)

MULING pinahanga ni Micaela Jasmine Mojdeh ang international swimming community sa impresibong walong gintong medalya, tampok ang pitong meet record, kabilang ang 50-meter free style,habang masayang pinagsaluhan ng kasanggang si Julia Basa ang mga medalyang napagwagihan sa Beijing All-Stars Swimming Championships. (MOJDEH FB)

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Pinatunayan ng 12-anyos swimming sensation ang kakayahan na makapagbigay ng dangal at karangalan sa bansa sa isa pang kahanga-hangang performance sa pamosong Water Cube – ang National Aquatics Pool kung saan naitala ni American star Michael Phelps ang Olympic history na walong gintong medalya – matapos makopo ang walong ginto, tampok ang pitong bagong meet record sa Beijing All-Star Swimming Championship nitong weekend.

Nanguna ang pambatong swimmer ng Philippine Swimming League (PSL) sa girls 11-12 division sa 200-meter fly (2:17.89), 200-meter Individual medley (2:25.68), 200-meter breast (2:43.51), 100-meter fly (1:04.67), 100-meter IM (1:09.85),  50-meter fly (29.41)  at 50-m breast (36:13) na pawang meet record.

Nadomina rin ng Grade school student  ng Immaculate Heart of Mary College-Parañaque ang girls 11-12 division sa 100-meter breast (1.17.77). “Masayang-masaya po talaga si Jasmine. Hindi niya akalain na magagawa niya yung dream niya. When we first came to Beijing last year for a quick tour I was teasing her playfully that may the force of Michael Phelps Beijing version be blessed upon her as she visited the historic Water cube here.

“After a year, I never even thought of her competing in Beijing and sweeping 8 gold medals and breaking 6 records carving her name in the walls of ISB. It may not be the Olympics but it is very reminiscent of how Phelps won 8 golds in 2008 Beijing Olympics,” pahayag ng ina ni Jasmine na si Joan Mojdeh.

Batay sa record ng torneo, si Jasmine kasama ang kasangga na si Julia Basa ang unang Pinoy swimmers na nakapagtala ng marka sa kompetisyon na nilahukan ng walong bansa kabilang ang Japan at host China.

Hataw din si Basa  ng dalawang ginto, tampok ang bagong meet record sa 200-meter back (2:45.10), at tatlong silver sa 200-meter free (2:28.28), 100-metr back (1:29.31) at 50-meter back (36:28).

Nanguna rin siya sa mixed 400-meter free (5:14.31).

Ikinatuwa ng pamunuan ng PSL, sa pangunguna nina chairman Nikkie Coseteng at president Susan Papa ang panibagong tagumpay ni Mojdej na kamakailan lamang ay nagpamalas din ng dominanteng performance sa Dubai championship.

-EDWIN ROLLON