Ang pelikulang “Green Book” ang nanalong Oscars Best Picture ngayong taon, habang magkakaibang pelikula ang nag-uwi ng mga pangunahing parangal sa 91st Academy Awards sa Dolby Theatre sa Los Angeles, California ngayong Lunes (Linggo sa Pilipinas).

Alfonso Cuaron, Oscars Best Director (AP)

Alfonso Cuaron, Oscars Best Director (AP)

Ang pelikula mula sa Universal Pictures ay pinagbibidahan ni Mahershala Ali bilang isang African-American concert pianist noong 1960s, at ng driver niyang si Viggo Mortensen. Tatlo pang parangal ang iniuwi ng pelikula, kabilang ang Best Supporting Actor para kay Mahershala at Best Original Screenplay.

Si Alfonso Cuaron naman ang Best Director para sa “Roma”, na nanalo rin bilang Best Foreign Language Film para sa Mexico.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Best Actress si Olivia Colman para sa “The Favourite”, habang Best Actor si Rami Malek, na gumanap bilang ang music icon na si Freddie Mercury sa “Bohemian Rhapsody”.

Associated Press