Natodas ang apat na preso nang manlaban umano sa “Oplan Galugad” sa loob ng Davao City jail madaling araw ngayong Sabado.
Dead on the spot sina Alvin Celis, Dexter Delfino, Flor Leonard Restsuro, at Jerry Fernandez, dahil sa mga tama ng bala sa katawan.
Binanggit ni Davao City Police Office (DCPO) spokesperson, Senior Insp. Maria Teresita Gaspan na kasama ng grupo ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP)-Region 11, ang DCPO, Regional Mobile Force Battalion 11, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Region 11, at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) nang magsagawa ang mga ito ng surprise inspection sa mga selda, dakong 3:00 ng umaga.
Iniisa-isa aniyang inilalabas ng mga awtoridad ang mga bilanggo, kabilang na ang apat na napatay, mula sa Cell No. 18 ng BJMP Annex Building para sa isasagawang body search, cell search at random drug search.
"When directed to get out of the cell one of them suddenly pulled a homemade gun sumpak and fires it towards one of the security personnel identified as PO2 Cameros which fortunately hit only his bulletproof vest,” sabi ni Gaspan.
Napaslang ang apat nang makipagbarilan sa kanila ang mga tauhan ng raiding team.
Junar Fenequito