PINANGUNAHAN ng Department of Health (DoH) regional office ng Pampanga nitong Lunes ang pagdiriwang ng “Heart Month”, bilang bahagi ng pagsisikap na maipagpatuloy ang pagbabahagi ng kaalaman hinggil sa pag-iwas at pag-control sa mga non-communicable o lifestyle-related na mga sakit.

Sa temang, “Mahalin ang Pusong Nagmamahal: Mag-healthy lifestyle na,” tinalakay ni Dr. Cindy Canlas, medical coordinator ng DoH Central Luzon Non-Communicable Diseases Cluster, ang malusog na pamumuhay upang ma-kontrol at maiwasan ang mga cardiovascular na mga sakit katulad ng diabetes mellitus, lahat ng uri ng cancer, at mga chronic obstructive pulmonary disease.

“The month-long celebration will promote active participation of and gain support among individuals from various sectors, government and non-government organizations,” pagbababahagi ni Canlas.

Tinalakay din niya ang DoH Hypertension and Diabetes Club, na isang scaled-up project ng ahensiya upang maisulong ang kampanya na maiwasan ang mga hindi nakahahawang sakit.

Night Owl

Demokrasya: Haligi ng Pag-unlad at Pananagutan

Nagsisilbi ring support group ang DoH Hypertension and Diabetes Club sa komunidad para sa pagbabahagi ng mga impormasyon at upang masiguro ang tamang pamamahala na maibibigay sa mga pasyente.

Upang maging bahagi ng DoH Hypertension and Diabetes Club, aniya, kinakailangan ng mga kliyente na magpakonsulta sa pinakamalapit na health center o primary health care facility upang sumailalim sa pagsusuri, gamit ang protocol ng Philippine Package of Essential NCD Intervention (PhilPEN).

“Once the patient is diagnosed to have hypertension and/or diabetes, he/she will be enrolled to the club,” ani Canlas.

“Members can access DoH drugs for hypertension like Losartan, Amlodipine, Metoprolol and for diabetes such as Metformin. They will also benefit from activities promoting healthy lifestyle,” paliwanag pa niya.

Matapos ang pagtatalakay, isang zumba dance ang isinunod upang maisulong naman ang “Go4Health”, na banner program ng DoH na may apat na pundasyon— Go Smoke Free. Go Slow sa Tagay. Go Sustansya. Go Sigla.

PNA