SHENZHEN (China) – Pangungunahan nina American best-selling singer/songwriter Jason Derulo at basketball icon Kobe Bryant ang isasagawang FIBA Basketball World Cup 2019 draw sa Marso 16 dito.

NAGPAMBUNO sa rebounds sina Alvin Patrimonio ng Purefoods at Vince Hizon ng Ginebra sa isang tagpo ngkanilang laro sa ‘Return of the Rivals’ kamakailan sa Araneta Coliseum. (TRISTAN ESPIRITU)

NAGPAMBUNO sa rebounds sina Alvin Patrimonio ng Purefoods at Vince Hizon ng Ginebra sa isang tagpo ngkanilang laro sa ‘Return of the Rivals’ kamakailan sa Araneta Coliseum. (TRISTAN ESPIRITU)

Ang five-time NBA champion an si Bryant, itinalagang global ambassador ng FIBA, ang magsasagawa ng Draw, habang si Derulo – isa sa pinakasikat na entertainer sa ngayon matapos makapagbenta ng views sa YouTube at 1 billion plays sa Spotify – ang mgabibigay ng awitan sa pinakahihintay na programa na tampok sa isang linggong palabas para sa FIBA World Cup.

Pangungunahan ni Yao Ming, tulad ni Bryant isa ring basketball hall-of-famer ang host at organizers para sa torneo na lalahukan ng 32 bansa.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

Bukas sa publiko ang gaganaping draw.

Bago ang draw, naghihintay ng basketball community na makumpleto ang komposisyon ng mga koponan bunsod nang isasagawang sixth at final window ng FIBA Basketball World Cup 2019 Qualifiers na nakatakda sa February 21-26. Kabuuang 26 bansa ang naghahangad para sa nalalabing 14 na slots sa World Cup.

Sa kasalukuyang ang 18 bansa na pasok na sa Cup ay ang China (host)

Africa: Angola, Nigeria, Tunisia; Americas: Argentina, Canada, USA, Venezuela; Asia: Australia, Korea, New Zealand;Europe: Czech Republic, France, Germany, Greece, Lithuania, Spain, Turkey