UMABOT na sa 267k likes at 2,295 comments ang post ni Bea na naka two-piece bikini habang nakatayo sa ilalim ng puno at nakatingin sa kulay asul na dagat sa Coron, Palawan.

Bea at pamilya

Nakikita lang kasing nagsusuot ng bathing suit o two-piece bikini ang aktres sa mga pelikula kaya maraming nagulat nang i-post niya mismo ang nasabing larawan at ipinalawanag niya sa caption ang dahilan kung bakit siya ipinost ang larawan.

Nagbakasyon si Bea kasama ang pamilya sa Coron at masaya niyang ikinuwento na masarap daw kumain nang may kaagaw.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Nag-post pa ang aktres ng litrato nilang apat (nanay at dalawang kapatid) sa hapag-kainan sa terrace ng kanilang villa.

Caption ng aktres, “Last night’s private dinner in front of the villa. Nag-agawan kami sa Thai prawn curry! Sarap! Mas masaya kumain kapag may kaagaw! Lol!”

Kung hindi kami nagkakamali ay madalas namang mag-post si Bea na kasama niya sa biyahe at bonding moments ang pamilya niya.

-REGGEE BONOAN