ALBUERA, Leyte – Nakaligatas sa kamatayan ang isang kapitan na presidente ng Association of Barangay Captain (ABC) nang pagbabarilin ng mga hindi nakikilang lalaki sa Albuera, Leyte, kahapon ng umaga.

Kinilala ng Albuera Municipal Police ang biktima na si Alberto Sumaljag, 60, may-asawa at taga-Bgy. Benolho ng naturang bayan.

Agad namang tumakas ang mga suspek patungo sa hindi matukoy na direksyon.

Sa report, lulan ang biktima ng kanyang kotse at dadalo sana sa session ng konseho nang dikitan ito ng isang kotse at sunud-sunod na pinaputukan ng baril sa Bgy. Cambalading.

Probinsya

Student-athlete, pumanaw matapos ang boxing match

Himalang nakaligtas si Sumalgjag ngunit tadtad naman ng tama ng bala ng baril ang kotse nito.

Tinutukoy pa ng mga imbestigador ang pagkakakilanlan ng mnga suspek.

-Marie Tonette Marticio