Ilang kalsada sa Metro Manila ang pansamantalang maapektuhan sa homecoming parade ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa Huwebes.

( Anthony DelMundo/Getty Images/AFP)

( Anthony DelMundo/Getty Images/AFP)

Ayon sa abiso ngayong Lunes ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), magsisimula ang parade sa Sofitel Philippine Plaza Manila sa ganap na 2:00 ng hapon, at daraan sa mga kalsada sa Pasay City, Maynila, at Makati City.

Magpapatupad ang MMDA ng stop-and-go scheme sa J.W. Diokno Boulevard, Atang Dela Rama, Vicente Sotto Street, Roxas Boulevard, T. M. Kalaw, Taft Avenue, Buendia, at Ayala Avenue.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Upang gabayan ang mga motorista, mahigit 200 traffic enforcers ang ipakakalat ng MMDA sa mga ruta ng parade.

Ang mga ilegal na nakarapadang sasakyan at iba pang sagabal sa trapiko ay tatanggalin sa mga ruta bago pa man ang parade sa Huwebes.

-Bella Gamotea