NGITI ang isinagot sa amin ng isang executive nang tanungin n ami n k u n g ma y upcoming teleserye ang kilalang love team. Marami na kasi ang nagtatanong sa amin kung bakit wala pa silang project, gayung phenomenal hit naman ang nakaraang serye nila.

Hindi kami kuntento sa ngiti kaya kinulit namin ulit ang executive.

“No idea rin kami, Reggee. Naghihintay lang din kami.”

Nagtanong naman kami sa TV executive kung bakit walang project ang love team sa network.

Blind Item

Tsinuging aktor sa serye nag-fly sung daw sa ibang bansa, may iniiwasang kaso?

“I think mas priority nila ang movies and shows? Mas doon siya naka-focus ngayon, marami silang upcoming movies, ‘di ba?” katwiran ng kausap naming boss ng network.

May nakuha naman kaming tsika on the side.

“Mahirap katrabaho ang maraming ginagawa. Hindi naman puwedeng laging pack-up, o kaya maraming iniindang sakit,” sabi sa amin.

Ito pala ang tunay na rason, eh, mahirap nga ‘pag ganyan lalo’t ang daming bagong artistang magagaling ngayon. Anytime, puwede silang palitan.

Well, sayang! Nandoon na, eh biglang bumaba pa.

-REGGEE BONOAN