ANG mga Muslim at Kristiyano ay magkakapatid, parehong Pilipino. Pinatunayan ang kanilang pagkakaisa at pagkakaunawaan noong Linggo nang sila’y maghawak-kamay upang bumuo ng isang “human barricade” sa paligid ng Santa Isabel Cathedral sa Isabela City, Basilan. Layunin ng barikada na protektahan ang simba
Karamihan sa sumama sa barikada ay young Muslims and Christian professionals na nagsusulong ng kapayapaan. Sinabi ni Amou Mohammed Asmawil, provincial director ng Department of Interior and Local Government (DILG), na siya at iba pang Moro professionals ay naroroon sa barikada para patunayan na “hindi kami masasamang tao.”
Binigyang-diin ni Asmawil na kinokondena nila ang pag-atake at pagpatay sa inosenteng mga sibilyan. Giit niya: “Nais naming ipakita na bilang Muslims, meron kaming malasakit at pagmamahal sa mga kapatid na Kristiyano. Naririto kami para protektahan ang simbahan.” May banta kasi na ang isusunod ng mga terorista ay simbahan sa Basilan.
Ayon sa ulat, may 50 Moro professionals mula sa mga bayan ng Sumisip, Hadji Mohammad Ajul, Maluso at Lamitan ang sumama sa human barricade sa harap ng katedral. Nais ipaalam sa lahat na may mga Muslim na handang isakripisyo ang buhay upang pangalagaan ang kaibigang mga Kristiyano at kapitbahay.
Nitong nakaraang linggo, nagkaroon ng kambal na pagsabog sa Jolo Cathedral habang may misa na ikinamatay ng mahigit 20 at pagkakasugat ng maraming iba pa. Nagkaroon din ng paghahagis ng granada sa Zamboanga City, na ikinamatay ng dalawang tao at pagkakasugat ng iba pa.
Magandang halimbawa ang ipinakitang ito ng mga kabataang Muslim at Kristiyano sa pagbabantay sa simbahang Katoliko. Ayon kay Asmawil, gagawin nila ang barikada tuwing Linggo para sa mga Kristiyano at tuwing Biyernes para sa mga Muslim.
Magkakapatid at magkakadugo ang mga Kiristiyano at Muslim. Bagamat magkaiba ang kanilang pananampalataya, iisa lang naman ang kanilang Diyos. Ang aral ng Diyos ng Kristiyano-Katoliko at ng Allah ng Muslims ay pagmamahalan, kapayapaan, at pagkakasundo.
Bunsod ng paglaganap ng tigdas o meales sa maraming parte ng Pilipinas dahil sa umano’y takot na ipinunla ng kontrobersiya ng Dengvaxia vaccine na ikinamatay ng mga batang naturukan nito, mismong si Pangulong Duterte na ngayon ang mangunguna sa information campaign ng immunization program ng gobyerno.
Nais ng Pangulo na maibalik ang tiwala ng mga mamamayan sa bisa ng bakuna, na ayon sa mga pinuno ng Department of Health ay labis na naapektuhan dahil sa mga maling impormasyon sanhi ng Dengvaxia controversy.han lab
-Bert de Guzman