Pinaalalahanan ng Commission on Electionsang publiko hinggil sa kumakalat na mga maling impormasyon kaugnay ng halalan sa Mayo 13.

Comelec Spokesperson James Jimenez

Comelec Spokesperson James Jimenez

Isa rito, ayon kay Comelec Spokesman James Jimenez, ang tungkol sa dapat ay mayroong voter’s identification card (ID) para makaboto.

“You don’t need a voter certification or a voters ID in order to vote,” giit ni Jimenez sa isang forum ngayong Miyerkules.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Nabanggit din ng opisyal ang tungkol sa kumakalat na impormasyon na may paraan upang madiskubre kung sino ang ibinoto ng isang botante.

“There is no means for anyone not even the Comelec to determine who the individual voters voted for,” paglilinaw ni Jimenez.

Ipinaalala rin niya na ang pagboto ng 13 kandidato para sa senador ay maaaring magresulta sa stray votes, o sayang na mga boto, dahil hindi ang mga ito bibilangin ng vote counting machine.

Ang paalala ng Comelec laban sa “overvoting” ay kasunod ng pag-eendorso ng 13 senatorial candidates ng partidong Hugpong ng Pagbabago ni Davao City Mayor Sara Duterte.

“In automated elections, ise-shade ang bilog sa tabi ng pangalan ng kandidato [na nais iboto]. Twelve ang kailangan na senador. Kung 13 ang shinade mo, walang paraan ang makina para malaman kung sino ang iyong pang-13 [kandidato]. Kaya stray ‘yan lahat [ng boto mo] for that position only,” paliwanag ni Jimenez.

“All of those other position na hindi ka nag-overvote will remain valid. Ang hindi lang mabibilang, ‘yung votes for overvoted position.

“Kung dalawang party-list ang ibinoto mo, kahit isa lang ang kailangan, ‘yun lang boto mo sa party-list ang hindi mabibilang. Everything else, mabibilang po,” aniya.

“Lahat ng overvoted na position, stray ‘yung votes. ‘Yung hindi overvoted na positions, valid [ang boto],” dagdag pa ni Jimenez.

Maging ang poll lawyer na si Atty. George Garcia ay nakasagap ng “modus” na tumatarget sa mga kandidato.

“They are asking candidates for P50-P60 million in exchange for sure win. They claim that they are from the Comelec IT Department,” sinabi ni Garcia sa forum.

“Don’t believe them. That is impossible. Nobody can manipulate the result of the automated elections,” aniya.

-Leslie Ann G. Aquino at Mary Ann Santiago