ANG saya ng post ni KC Concepcion ng picture nila ng boyfriend na si Pierre-Emmanuel Plassart, o PEP, habang nagbabakasyon sa San Vicente, Palawan, at sa litrato ay nakatakip ang buong mukha ng BF niya.

KC at Piere copy

Caption ni KC: “When the sun is too hot to handle for the Europeans in the group who are still defrosting from the snow.”

Ibig sabihin, nasa bansa si PEP at may mga kasamang Europeans, dahil plural ang ginamit ni KC. Hindi sanay sa init ang Europeans kaya init na init. Ibig din sabihin, dito magba-Valentine’s Day si PEP at magkasama sila ni KC sa Araw ng mga Puso bukas.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Nakakatuwa naman ang post ni PEP: “The #Philippines has some of the best beaches I’ve seen in the world.”

Anyway, ang pinupunto namin, ang positive ng post ni KC, pero ang suot ni KC ang pinansin ng bashers nito. Kita kasi ang upper boobs ni KC sa suot na swimsuit, kaya ayun, napuna na naman siya. May mga nasagwaan sa kanyang suot.

Mabuti na lang at marami ang nagdepensa sa kanya. Natural lang daw na naka-swimsuit si KC dahil nasa beach siya.

Para naman hindi siya ma-stress sa kababasa sa mga walang kuwentang comments, dine-delete ni KC ang mga walang kawawaang comments. Mema lang kasi ang iba, “me masabi lang.”

-NITZ MIRALLES