Nangako ang Philippine National Police (PNP) na imo-monitor ang mga galaw ni Daraga, Albay Mayor Carlwyn Baldo matapos siyang payagan ng korte na magpiyansa sa kasong illegal possession of firearms and explosives.

Ayon kay Senior Supt. Bernard Banac, tagapagsalita ng PNP, bilang law enforcement agency, palaging rerespetuhin ng PNP ang desisyon ng korte.

"As the premier law enforcement agency, the PNP bows to the majesty of the law and accepts the court decision allowing Daraga Mayor Carlwyn Baldo to post bail," sabi ni Banac.

"We shall monitor his movements from time to time and account for his presence during court hearings," dagdag niya.

National

Bagong kurikulum ng DepEd, ipatutupad sa S.Y. 2025-2026

Si Baldo ay kinasuhan ng illegal possession of firearms and explosives nang masamsaman ng mga baril, bala at ilang pampasabog nang salakayin ang kanyang bahay.

-Aaron Recuenco