Kinontra kahapon ng militar ang alegasyon ni Cotabato City Mayor Frances Cynthia Guiani-Sayadi na nagsabwatan ang mga opisyal ng pamahalaan at Moro Islamic Liberation Front (MILF) upang matiyak na magtatagumpay ang Bangsamoro Organic Law (BOL).

BOL

Sinabi ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Spokesperson Brig. Gen. Edgard Arevalo, dismayado siya kaugnay ng ibinibintang sa kanila ng alkalde.

Ipinahayag nito, hindi niya akalain na maglalabas ng maling alegasyon si Sayadi na ikinadudungis ng reputasyon ng ng AFP.

National

PH History, ibabalik na bilang subject sa high school?

Ani Arevalo, sa kabila ng pagsisikap nilang gampanan ang kanilang mandato ay paratangan pa silang ng pang-aabuso sa tungkulin.

"This is grossly unfair to the men and women of the AFP who dutifully performed their election duties. We hope that the good Mayor of Cotabato City will bring her charges to the proper forum and substantiate her allegations than besmirch the good reputation of the AFP through media," sabi pa nito.

-Francis T. Wakefield