Minamadali ng Department of Transportation (DOTr) na matapos ang draft implementing rules and regulations (IRR) ng isinusulong na panukalang batas para maging legal ang operasyon ng mga motorcycle taxi sa bansa, kabilang na ang “Angkas”.

ANGKAS

Ito ang inilahad ni DOTr Undersecretary for Road Transport and Infrastructure Mark de Leon nang dumalo ito sa pagdinig ng

Committee on Metro Manila Development ng Kongreso, kahapon.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

"Now we're already planning for the third TWG (technical working group) meeting to finalize the draft IRR and including the proposal of the Committee on Metro Manila Development to have a pilot. We're at that stage already," sabi ni De Leon.

Isinusulong ng nasabing mungkahing batas na House Bill 8959 na maamyendahann ang Republic Act 4136 (Land Transportation and Traffic Code) na nagpapahintulot lamang na gamitin bilang public transportation ang mga sasakyang may apat na gulong, hindi kanilang ang motorsiklo.

Ang nabanggit na panukalang batas ay pasado na sa ikatlo at pinal na pagbasa sa Kongreso ngunit hindi pa naisusulong sa Senado.

"Medyo kailangan lang i-refine ‘yung mga clauses dun, maybe it will take one or two days to finalize that IRR which we will submit to DOTr Secretary Arthur Tugade for possible approval and adoption," pahayag pa ni De Leon.

-Ellson A. Quismorio