FOLLOW-up ito sa nasulat namin dito sa BALITA kahapon tungkol kina Arjo Atayde at Maine Mendoza na parehong umalis na sa bansa, nauna lang ang dalaga.

Arjo Atayde

Kahapon, may post sa Arjo Atayde Facebook page: “Touchdown Virginia (USA).” Kuha ang picture sa airport at may hawak na pumpon ng rosas ang aktor.

Kahapon din ay may post ang nanay niyang si Sylvia Sanchez: “Relax, hinga and enjoy muna #familybonding #family #happiness #blessed #grateful #priceless#thankuLORD. Happy morning.”

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Duda namin ay sumama ang pamilya Atayde kay Arjo sa Amerika, pero base naman sa nakita naming kuha ng mga litrato ay sa Japan nagtungo si Ibyang kasama ang bunsong anak na si Xavi at asawang si Art Atayde, at kaibigan.

Tinanong namin si Ibyang kung magkikita sina Arjo at Maine sa Amerika, at tutuloy sa Iceland para makita ang Northern Lights.

“Ewan ko, ha, ha, ha, ha ha,” sagot niya sa amin.

Hmm, abangan na lang natin ang mga litratong ipo-post ng dalawa, sakaling magkikita nga sina Arjo at Maine.

-REGGEE BONOAN