Bukod sa Metro Manila, idineklara na rin ng Department of Health (DoH) ang measles outbreak sa iba pang rehiyon sa bansa.

TIGDAS

Sa isang pulong balitaan, sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na  idineklara ang outbreak sa Ilocos, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon,

Mimaropa at Bicol, matapos na makapagtala ng "increasing trend" ng measles cases hanggang nitong Enero 26.

National

Tinapyasang budget ng opisina ni VP Sara, ‘di na dapat baguhin – Sen. Risa

"We are expanding the outbreak from Metro Manila to the other regions as cases have increased in the past weeks and to strengthen surveillance of new cases and alert mothers and caregivers to be more vigilant," ayon sa kalihim.

Matatandaang una nang nagdeklara ang DoH ng measles outbreak sa Metro Manila nang maitala ang pagtaas ng bilang ng mga pasyente na tinamaan ng sakit simula Enero 1 hanggang Pebrero 6, 2019.

Isinisisi ng kalihim ang pagdami ng kaso sa pagbaba ng measles immunization coverage.

Kaugnay nito, tiniyak ng DoH na ginagawa nila ang lahat upang masolusyunan ang problema laban sa tigdas.

-Mary Ann Santiago