Arestado ang apat na tao makaraang makumpiskahan ng mahigit P3.4 milyon halaga ng shabu sa buy-bust operation sa Quezon City ngayong Huwebes ng madaling araw.

pdea

Kabilang ang tatlong babae sa apat na naaresto ng mga tauhan ng Regional Drug Enforcement Unit ng National Capital Region Police Office (NCRPO), Quezon City Police District (QCPD), at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Ayon kay NCRPO Chief Director Guellermo Eleazar, ikinasa ng mga operatiba ang buy-bust sa isang motel sa Barangay Doña Imelda, Quezon City.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Kinilala ni Eleazar ang mga naaresto na sina Ruby Balani, Joshua Salazar, Mary Jane Duran, at Mineya Amorine.

Ayon sa report ng pulisya, matagal nang sinubaybayan ang mga suspek sa pamamagitan ng isang civilian asset.

Nakuha umano mula sa mga suspek ang isang malaking plastic pack ng kalahating kilong shabu at apat na plastic sachet na may lamang 20 gramo ng shabu.

Ang naturang mga droga ay mayroong street value na aabot sa P3,455,000.

Sinabi pa ni Eleazar na kakasuhan ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act (RA 9165) ang mga suspek sa Quezon City Prosecutor’s Office.

Fer Taboy