WASHINGTON (Reuters) – Inihayag ni U.S. President Donald Trump na idaraos ang ikalawang pakikipagkita niya kay North Korean Leader Kim Jong Un sa Vietnam sa Pebrero 27-28.
Sa kanyang annual State of the Union address sa Kongreso, sinabi ni Trump na marami pang kailangang ayusin upang maisulong ang kapayapaan sa North Korea, ngunit ang pagkahinto ng nuclear testing at anumang bagong paglulunsad ng missile ay isang patunay sa pagsulong sa usapin.
“If I had not been elected president of the United States, we would right now, in my opinion, be in a major war with North Korea,” pahayag ni Trump sa kanyang address.
Matatandaang unang nagtagpo si Trump at Kim noong Hunyo 12 sa Singapore.
Hindi naman idinetalye ni Trump kung saan lungsod sa Vietnam, na may magandang ugnayang sa dalawang bansa, magpupulong ang dalawang lider, bagamat maaaring ikonsidera ang kabisera ng bansa sa Hanoi at ang siyudad ng Da Nang.