SA unang pagkakataon, napasabak sa isang quality ring battle si Ifugao bantamweight prospect Carl Jammes Martin.

BAYANING BOXERS! Masayang nagpakuha ng photo op sina world champion Jerwin Ancajas at boxing protégée Carl James Martin (kanan) matapos ang maaksiyong sparring bilang paghahanda ng huli sa kanyang non-title fight laban sa Thai rival. (DENNIS PRINCIPE)

BAYANING BOXERS! Masayang nagpakuha ng photo op sina world champion Jerwin Ancajas at boxing protégée Carl James Martin (kanan) matapos ang maaksiyong sparring bilang paghahanda ng huli sa kanyang non-title fight laban sa Thai rival. (DENNIS PRINCIPE)

Sparring lang na maituturing, ngunit malaking challenge ang kinaharap ni Martin na maka-spar nito si defending IBF superflyweight champion Jerwin Ancajas.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Palitan ng matitikas na kumbinasyon sa mukha at katawan ang binitiwan nina Martin at Ancajas sa kanilang bakbakan na tumagal ng four rounds nitong nakaraang Linggo sa Survival Camp sa Magallanes, Cavite.

 “Sa wakas nakalaban po ako ng world champion. Sobrang galing po talaga ni Kuya Jerwin at nalaman ko na talagang may kulang pa ako,” sambit ng 19-year-old ifugao boxer.

Unti-unting gumagawa ng ingay si Martin dahil na rin sa tangan na unbeaten win-loss record nito na 11-0, tampok ang 10 via knockout. Sa kabila ng kaniyang impressive tally, tiniyak ni Martin na limitado pa ang kaniyang kakayahan sa ngayon.

 “Alam ko po na bata pa ako at marami pa talagang dapat na sparring na katulad nito at ilan pang mga laban ang dapat kong pagdaanan,” dagdag ni Martin.

 Napabilib naman ni Martin si Ancajas na sa ngayon ay naghahanda sa kaniyang susunod na title defense na nakatakda sa Abril.

 Ayon kay Ancajas, nakita at naramdaman niya ang de-kalidad na kilos at lakas ni Martin na naihalintulad pa niya sa galaw ng Pambansang Kamao Manny Pacquiao.

 “May lakas siya at may bilis at may hawig pa kay Sir Manny kapag pumapasok at umaatras,” ani Ancajas.

 Naghahanda si Martin sa kaniyang susunod na laban, isang 10-round non-title fight kontra Petchorchae Kokietgym ng Thailand na gaganapin February 16 sa Skydome, SM North Edsa.

-DENNIS PRINCIPE