Labing-isang estudyante sa Makati City, na karamihan ay nakasuot pa ng uniporme, ang inaresto sa loob ng isang bahay kung saan may natagpuang shabu, marijuana at iba’t ibang drug paraphernalia, nitong Lunes ng gabi.

GRADE 9 STUDENTS

Ang mga estudyante ay pawang menor de edad – nasa 14 hanggang 17. Ayon sa Makati police, sila ay Grade 9 students sa lungsod.

Sinabi ni Chief Insp. Gideon Ines, Jr., Assistant Chief of Police for Operations (ACOPO) head ng Makati police, na nagreklamo ang mga residente sa lugar dahil sa matinding ingay na dulot ng mga bata sa isang bahay sa Barangay  Southside, Makati City.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

"We received a phone call from residents. They complained about very noisy teens at their neighbor's house," aniya.

Pagsapit ng 6:00 ng gabi, pinuntahan ng mga tanod at pulis ang bahay na inirereklamo.

Ayon kay Gideon, naamoy ng mga tanod at pulis ang marijuana kaya pinasok nila ang bahay at kinumpirma ang hinihinalang nangyayari. At tuluyang nadiskubre ang mga ilegal na droga sa loob ng bahay.

Nakuha sa bahay ang isang pakete ng shabu, marijuana "tootter," limang pakete na may bakas ng shabu, 18 piraso ng aluminum strips, at limang lighters.

Ang bahay ay pag-aari ng isang drug personality sa kanilang watch-list, ayon sa Makati police.

Ang anak ng drug personality ay kabilang sa 11 estudyante.

Gayunman, wala ang kanyang magulang sa bahay.

Itinurn over ang mga estudyante sa Makati Social Welfare and Development Office.

-JEL SANTOS