MILAOR, Camarines Sur – Nasabat ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang aabot sa P3.4 milyong halaga ng iligal na droga sa dalawang umano’y drug pusher sa Milaor, Camarines Sur, nitong Sabado ng umaga.

Sinabi ng PDEA, ang dalawang suspek ay nakilalang sina Jane Christine Luzvi Nuevo, alyas “Jing”, 32, may-asawa, at Marlon Luisse Espiritu, 23, binata, kapwa taga-Bacoor, Cavite.

Isinagawa ng PDEA ang operasyon sa tulong na rin ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) at National Bureau of Investigation (NBI).

Sa report, ang dalawa ay isinailalim ng mga awtoridad sa buy-bust operation sa Milaor-Naga by-pass road sa nabanggit na lugar.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Nakumpiska sa dalawang suspek ang 500 gramo ng shabu na aabot sa P3.4 milyon at marked money.

Ang dalawa ay kakasuhan ng paglabag sa Republic Act 9164 ( Comprehensive Dangerous Drugs Act).

-Jinky Lou A. Tabor