HERE’s good news sa mga tagasubaybay sa career ng bagitong hunk actor na si Tony Labrusca, na sumikat sa digital movie na Glorious. Pero he is also the same guy na nagwala sa airport at muntik nang ipa-deport ni Foreign Affairs Secretary Teddy Boy Locsin sa display of arrogance incident last January 3.

Tony Labrusca copy

Nabigyan na ng work permit si Tony, at abala siya ngayon sa two projects. Kasama siya sa cast ng Mea Culpa together with Jodi Sta. Maria, Bela Padilla, Sandino Martin, Ayen Munji at John Arcilla. May isa pa siyang digital movie, ang Ang Babae sa Septic Tank 3, na pinagbibidahan pa rin ni Eugene Domingo.

Harinawa may aral na natutuhan si Tony sa magaspang na ikinilos niya sa isang immigration officer, which almost cost his showbiz career.

Tsika at Intriga

Anthony Jennings, nag-promote ng pelikula; isiniwalat kung sino sinasandalan sa problema

-REMY UMEREZ