MULING pinatunayan ng Philippine Military Academy (PMA) ang kalidad ng leadership training na ibinibigay nito sa mga kadete na maaaring magamit kahit saan—sa mundo ng pagnenegosyo o maging sa pamumuno sa pamahalaan labas ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

“We are trying to develop some more the character of our cadets,” na bahagi umano ng apat na taong pagsasanay ng mga kadete na sumasailalim sa nangungunang institusyong pangmilitar sa bansa, ayon kay Lt. Col. Harry Baliaga Jr., PMA chief information officer.

Dagdag pa ni Baliaga, ang pagsasanay ng mga kadete ay nakaangkla sa Camp Curriculum, na sumasakop sa character development, academic development, military at physical development—mga salik na humuhubog sa magiging mga lider ng AFP at ng bansa.

Ang PMA, aniya, ay patuloy na lumilikha ng mga ‘leaders of characters’, na hindi lamang magaling bilang miyembro ng militar ngunit matagumpay sa pamumuno bilang lider ng mga ahensiya ng pamahalaan.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Kabilang sa mga prominenteng lider ng bansa na nagmula sa PMA si dating Pangulong Fidel Ramos, na nagsimula bilang isang plebe cadet ng PMA hanggang sa makapasok sa United States Military Academy (West Point) bilang exchange cadet ng Pilipinas.

“Mga magagaling na military leaders ang nakikita sa ngayon, karamihan sa mga leaders ng government agencies are products of PMA, sila yung tumutulong sa nation building,” ani Baliaga.

Ang makita ang mga dating kadete ng PMA na matagumpay at nangunguna sa kanilang mga larangan matapos ang buhay militar ay hindi lamang isang dangal para sa akademya kundi gayundin para sa mga kadete, aniya.

“We are proud, even the cadets realize that they were not wrong in choosing to study at PMA to be molded as future leaders of the country that is because they can see that the country’s leaders come from this institution.”

Nagbibigay ang PMA ng matibay na pagsasanay upang mahulma ang karakter ng isang tao at nagbibigay din ng kaalamang pang-akademya at pagsasanay sa paghawak ng mga sitwasyon, gayundin ang paghahanda sa katatagan ng tao upang malampasan ang anumang pagsubok sa labas ng tarangkahan ng akademya.

“Diyan naka angkla lahat ng pinapagawa sa kadete araw-araw para masiguro na paglabas nila, they are competent, and capable to lead organizations, and units in the field,” pagbabahgi ni Baliaga.

Aniya pa, isinasabuhay sa lahat ng asignatura ang ‘values formation” at sa lahat ng ginagawa ng mga kadete. Ang mga humahawak ng mga pagsasanay ng mga kadete ay sinanay din at pinagkalooban ng kakayahan upang maging maasahan sa pagbibigay ng tamang pagsasanay sa mga susunod na lider ng bansa.

Iginiit din ng opisyal na walang lugar sa akademya ang hazing at pagmamaltrato.

“It is part of the character development program of the academy where the cadets are molded to be ‘strong’, ‘sturdy’ without subjecting them to physical contact,” dagdag pa niya.

“That’s our goal, to guide and to direct these young cadets to become successful in their career but they just pass in the academy’s halls for four years,” ani Baliaga.

Dagdag pa niya, “we cannot claim that the bad attitudes some have were obtained in PMA. They just passed here in PMA, four years lang sila dito, nasa kanila kung gusto nilang i-absorb, isabuhay ang trainings na ibinibigay PMA sa kanila kasi the remaining years of their lives and the years before they enter, is with their families, with their community, in some other places so maybe masasabi natin na hindi nila masyadong nain-culcate ang values, culture ng PMA.”

Itinatag ang PMA bilang isang institusyong pangmilitar, 120 taon na ang nakalilipas.

Sa mga nakalipas na taon, marami nang pagbabago ang ipinatupad sa sistema upang makasabay sa pagbabago ng panahon.

PNA