Isang Pinay household service worker ang umano’y limang beses ginahasa ng isang Arabo, na kinatawan ng recruitment agency na nag-deploy sa kanya sa Riyadh, Saudi Arabia.Hawak na ng Saudi authorities ang suspek makaraang dakpin sa tanggapan ng Konsulado ng Pilipinas nang makumbinsi siya ng biktima na sumaglit sa naturang tanggapan.

Sa ulat, limang araw pa lamang ang biktima bilang kasambahay nang takasan nito ang kanyang employer.Ayon sa pahayag ng biktima, nakatakda sana siyang ihatid ng recruitment agency sa Riyadh para ilipat sa bagong amo nang mangyari ang panghahalay sa isang hotel.Nakarating kay Labor Attache Nasser Munder ang insidente makaraang magsumbong ang biktima sa kasamahan nito sa Bahay Kalinga.

Pinayuhan nin OWWA Welfare Officers Marilyn Jamero at James Mendiola ang biktima para makumbinsi ang suspek na magtungo sila sa Konsulado.

Pagdating sa opisina ni Munder, kinumpronta nito ang suspek at ipinaaresto sa security at diplomatic guard.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

-Bella Gamotea