NAGPAMALAS ng kahandaan sina junior swimming standout Micaela Jasmine Mojdeh at Marc Bryan Dula para sa ilalargang National Open try-outs para sa komposisyon ng Philippine Team sa gaganaping 30th Southeast Asian Games sa bansa sa Nobyembre.

WINNERS ALL! Nangibabaw sa kani-kanilang age-group class sina (mula sa kaliwa) national junior record breaker Jasmine Mojdeh, nakababatang kapatid na si Behrouz Mojdeh, Marc Bryan Dula at Julia Ysabelle Salazar-Basa sa katatapos na ABC Swim Challenge ng Philippine Swimming League (PSL) nitong weekend sa Vermosa Sports Hub sa Cavite

WINNERS ALL! Nangibabaw sa kani-kanilang age-group class sina (mula sa kaliwa) national junior record breaker Jasmine Mojdeh, nakababatang kapatid na si Behrouz Mojdeh, Marc Bryan Dula at Julia Ysabelle Salazar-Basa sa katatapos na ABC Swim Challenge ng Philippine Swimming League (PSL) nitong weekend sa Vermosa Sports Hub sa Cavite

Kapwa nagtala ng bagong national junior at meet record sina Mojdeh at Dula sa ginanap na ABC Swim Challenge ng Philippine Swimming League (PSL) National Series nitong weekend sa Olympic-size pool ng Vermosa Sports Hub sa Imus, Cavite.

Hataw ang Philippine Sportswriters Association (PSA) at Siklab Foundation ng Phoenix awardees sa girls’ 12-year 100m butterfly sa naitalang bagong marka na isang minuto at 4.71 segundo. Nalagpasan niya ang National junior record na 1:05.10 na kanya ring naitala sa nakalipas na taon sa SICC Swimming Championship sa Singapore.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Gumawa rin ng bagong meet record ang Palarong Pambansa standout at pambato ng Immaculate Heart of Mary College-Paranaque sa 200m butterfly (2:22.55) at 200m breaststroke (2:52.70).

Kumikig din ang premyadong swimmer ng Masville Elementary School na si Dula sa naitalang tatlong bagong national junior record.

Umariba si Dula sa boys 11-year class 100m backstroke sa tyempong 1:11.41, malayo sa dating record na 1:15.16 ni Seth Isaak Martin noong 2013.

Hataw din siya sa 200m backstroke (2:37.00) at 200m individual medley (2:38.47).

“We are so proud of these young swimmers who broke records in their respective events. These kids are products of our grassroots development program and we’re happy to see them grow,” pahayag ni PSL president Susan Papa.

Hindi pa man, kumpiyansa ang dalawa na maiiangat ang Paranaque City swimming sa 2019 Palarong Pambansa National Capital Region qualifying tournament sa susunod na buwan, gayundin ang National Open try-outs para sa SEA Games na ipinahayag na isasawa ng Philippine Swimming, Inc. sa Marso.

Umagaw din ng atensiyon ang iba pang record-breakers na sina Althea Villapena (girls’ 14-year 200m backstroke, 2:50.04), Aishel Evangelista (boys’ 8-year 100m backstroke, 1:23.76), Shaina Andal (girls’ 13-year 200m breaststroke, 3:01.10) at Jordan Lobos (boys’ 15-over 200m breaststroke, 2:37.74).