GUSTO naming pasalamatan ang loyal supporters ni Maine Mendoza at ilang AlDub fans na nagpasalamat dahil sa nasulat namin dito sa Balita kahapon na tanggap nila si Arjo Atayde para sa idolo nila.

Maine copy

Inakala namin na makakatikim kami ng pamba-bash dahil nga nabanggit namin na marami pa ring supporters sina Alden Richards at Maine na hindi matanggap ang katotohanang hindi na mangyayari ang gusto nila na magkatuluyan sina Yaya Dub at ang tinawag nilang Baby Boy. Pero hindi pala dahil karamihan sa kanila ay tanggap kung sino ang mahal ni Maine.

Tulad ng sabi ni @missblue547, “Basta mahal ni @mainedcm ok sa amin si @AtaydeArjo.”

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Say naman ni @lazyhungrymomma, “Basta a lot of US Maine fans - who truly care about her, her happiness without expectations OR conditions - are happy for her.”

Mula kay @Soosun21, “’Di ako sure sa AlDub, but most of Maine fan tanggap namin sya.”

Sana ganito lahat mag-isip ang supporters ng bawat artista o loveteam. Igalang sana nila ang desisyon ng idol nila, hindi ‘yung nang-aaway sila at kung anu-ano pang masasakit na salita ang ibinabato sa mga taong wala namang ginagawang masama sa kanila.

-Reggee Bonoan