Pinangangambahan ngayon ang unti-unting pagkaubos ng Sardinella tawilis, isang uri ng isda na tanging sa Pilipinas lang matatagpuan, ayon sa International Union for Conservation of Nature (IUCN).

Tinukoy sa pinakahuling pag-aaral ng IUCN na kabilang sa malaking bagay na nagdudulot ng pagdalang ng Tawilis

ay ang overfishing, ilegal na paggamit ng active fishing gears, katulad ng motorized push net at ring net, paglaganap ng fish cages, at polusyon sa tubig.

Binanggit din sa pag-aaral na ang mga nahuhuling tawilis sa Taal Lake ay dumalang simula pa noong 1998, nang naitala ang pinakamalaking hango na aabot sa 1,672 metriko tonelada.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Tinatayang aabot naman sa 240 metriko tonelada ang nahuling tawilis noong 2005, at bumaba pa ito sa 107 metriko tonelada noong 2010.

Sinabi ng IUCN na bumagsak ng 49 porsiyento ang nahahangong tawilis sa nakalipas na 10 taon kung sisimulan ang pagtaya noong 2017.

Isa rin umano sa dahilan sa pagdalang ng huli nito ay ang paggamit ng ilang non-native species sa commercial purposes na nagdagdag sa pagkaubos ng nasabing isda.

Sa isinagawang survey, noong 1996-1999, aabot na lang sa 27 fish species ang naitala mula sa dating 32 pamilya nito sa Taal Lake, na mas mababa simula noong 1920s, nang mayroon pa itong 101 species.

-Ellalyn De Vera-Ruiz