MELBOURNE, Australia (AP) — Pinatunayan ni Rafael Nadal sa mga batang netters na marami pa silang kakaining bigas para mangibabaw sa Australian Open.

NADAL: Tinuldukan ang giant-killing ng karibal na Greek phenom. (AP)

NADAL: Tinuldukan ang giant-killing ng karibal na Greek phenom. (AP)

Tinuldukan ni Nadal ang matikas na winning run ng 20-anyos sensation na si Stefanos Tsitsipas Greece para makausad sa Aussie Open Finals sa ikalimang pagkakataon sa Melbourne Park at ika-25 sa Grand Slam tournaments.

Sa loob ng huling 11 minuto, pinatunayn ni Nadal na hindi niya matitikmana ng pait na kabiguan na nadama ni Roger Federer kay Tsitsipas, 6-2, 6-4, 6-0.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

“It felt like a different dimension of tennis completely,”pahayag ng 14th-seeded na Tsitsipas.

“He gives you no rhythm. He plays just a different game style than the rest of the players. He has this, I don’t know, talent that no other player has. I’ve never seen a player have this. He makes you play bad.”

Ang impresibong panalo at dagdag sa kahanga-hangang kampanya ni Nadal kabilang ang panalo sa mga batang sumisikat tula dnina 19-anos Alex de Minaur sa third round at 21-anyos na si Frances Tiafoe sa quarterfinals.

“They don’t need any message, no. They are good. They’re improving every month. So it’s always a big challenge to play against them,” sambit ni Nadal, patungkol sa mga batang karibal.

Makakaharap ni Nadal sa championship ang mananalo sa laban nina top-seeded Novak Djokovic at Lucas Pouille.

“I’m really disappointed today,” pahayag ni Tsitsipas, “I hope to prove myself a little bit more, not let him dominate the entire match. Just felt wrong.”

Sa women’s division, umusad sa championship match si Naomi Osaka ng Japan nang pabagsakin si Karolina Pliskova ng Czech Republic 6-2, 4-6, 6-4 sa semifinals nitong Huwebes.

“I just told myself to regroup in the third set and just try as hard as I can,” sambit ni Osaka nakaiskor ng aces sa bilis na 115 mph (185 kph).

“I was so scared serving second serves. I was like, ‘Oh, my God. Please!” aniya.

Makakaharap ni Osaka si two-time Wimbledon champion Petra Kvitova