SAYANG at nagmamadali si Carlo Aquino nang makita namin sa valet parking ng ABS-CBN nitong Martes ng hapon. Hindi namin siya natanong ang tungkol sa non-showbiz girl na nauugnay sa kanya, na naging dahilan kung bakit i-unfollow na siya ni Angelica Panganiban sa Instragram.

CARLO-AQUINO-AND-ANGELICA-PANGANIBAN copy

Nakagugulat nga rin naman talaga ang kuwentong ito, na biglang lumabas sa social media ang litratong may kasamang ibang babae si Carlo, gayung ang saya-saya pa nila ni Angelica na magkasama nitong Disyembre.

At higit sa lahat, ang ganda ng ratings at feedback ng seryeng Playhouse, dahil na rin sa mga karakter nilang Harold at Patty, na nagkakamabutihan.

'Di kilala unang babaeng PH president?' Gurong contestant sa Showtime, trending sa X

Magandang tambalang CarGel din ang dahilan kung bakit na-extend si Carlo sa Playhouse, dahil siya ang perfect na ka-love triangle nina Angelica at Zanjoe Marudo, na sa serye ay may iba na ring babaeng gusto, si Isabelle Daza.

Nagtanong kami kung tuluy-tuloy pa rin si Carlo sa Playhouse, dahil nga paano nagte-taping ang dalawa ngayong hindi na sila okay.

“Tuloy pa naman po, hindi pa naman nawawala si Harold sa Playhouse. Okay naman sila ‘pag work,” kaswal na sagot sa amin.

Sabagay, kilalang propesyunal pareho ang CarGel pagharap ng kamera. At ‘pag off-camera na, siguradong kanya-kanyang diretso na sila sa kani-kanilang holding area.

Ito pala ang dahilan kaya sinabi ng aming source na ayaw nang saktan ulit ni Carlo si Angelica, kaya hindi niya binalikan ang dalaga.

Ending, umasa pa naman ang aktres. Hmmm, bagay talaga ang Playhouse na titulo ng serye nila.Anyway, abangan kung ano ang kahihinatnan ng karakter nina Harold, Patty, at Marlon.

Base sa kuwento ngayon ng Playhouse, alam na ni Robin (Justin James Quilantang) na si Natalia (Maxene Magalona) na ang guardian niya, at sobra siyang hinihigpitan nito. Bawal siyang dalawin nina Nanay Belen (Nadia Montenegro) at Noli (Smokey Manaloto) or sinuman sa mga kaanak ni Patty.

Abangan ang Playhouse bago mag-It’s Showtime sa ABS-CBN.

-REGGEE BONOAN