SUPORTADO ng mga beterano ng ‘Bakbakan’, ‘Digmaan’, World Slasher Cup at iba pa, dinumog ang 9th World Gamefowl Expo sa World Trade Center sa Pasay City kahapon.

PINANGUNAHAN nina GAB Chairman Abraham 'Baham' Mitra (ikalawa mula sa kaliwa) at Senator Cynthia Villar (ikalawa mula sa kanan) ang ribbon cutting sa opening day ng World Gamefowl Expo.

PINANGUNAHAN nina GAB Chairman Abraham 'Baham' Mitra (ikalawa mula sa kaliwa) at Senator Cynthia Villar (ikalawa mula sa kanan) ang ribbon cutting sa opening day ng World Gamefowl Expo.

Nagulat ang event organizer na si Raquel Romero ng World Expo sa dami ng dumalo sa nakaraang tatlong araw na palabas, ang ilan ay mula pa sa Germany, Mexico, Guam at Southeast Asia.

“A contingent from Japan led by Arnel Tuncab of KGBA, Mori and Akiko of Fujiyama Sinukwan introduced the traditional way of how the famed samurai was made and this technique will be used in the making of Philippine knives/gaff,” ani Romero.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

“Another welcome addition is the entry of KAMPSTAHL of Germany headed by Andy Thiel , a team of experts in metallurgy and ready to share their expertise in the gamefowl industry,” aniya.

Ngunit mas dinagsa ang matitikas na panabong na ipinarada mismo ng mga breeders ng ‘Bakbakan’, ‘Digmaan’ and World Slasher Cup.

Pangunahing isponsor ang Powertrac, ang sumisikat na truck distributor at Nutriasia, official refreshment ng expo.

“As early as now we are preparing for the 10th Anniversary of the WORLD GAMEFOWL EXPO next year, January 17-19, 2020,” ani event partner Manny Berbano of Pit Games Media, Inc.

Isponsor din ang Tatak Excellence, B-Meg, Sagupaan, Warhawk at Infinity ng Supremo.