Pacquiao pinagmukhang bata si Broner

(AP Photo/John Locher)

(AP Photo/John Locher)

Mabilis pa rin sa edad na 40, dinomina ni Manny Pacquiao ang 29-anyos na boksinbgero na si Adrien Broner sa kanilang tapatan kahapon upang depensahan ang kanyang titulo sa World Boxing Association (WBA) welterweight title kahapon na ginanap sa MGM Grand Arena sa Las Vegas Nevada.

Sa harap ng kabuuang crowd na 13,025 nagpakitang gilas si Pacquiao kung saan bumalik siya makalipas ang dalawang taon.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Hindi binigi niPacquiao ang mga boxing fans matapos niyang biguin ang nagkukumahog na si Broner, na walang ibang ginawa kundi ang sumuntok sa ere sabay ng pag-iwas ng kalaban.

Ngunit hindi nagustuhan ni Broner ang naging desisyonng mga judges matapos ang 12 rounds kung saan ay nagwa siyang pasandalin sa lubid ni Pacquiao.

Malakas pa rin ang paniniwala ni Broner na natalo niya si Pacquiao sa nasabing laban.

“I beat him, everybody out there knows I beat him,” ani Broner. “I clearly won the last seven rounds.”

Hindi man nagawang maka knock out ay naiposte pa rin ni Pacquiao ang panalo via unanimous decision sa mga nakuhang scores na 117-111, 116-112, 116-112.

Itinaas ng eighth-time world division champion ang kanyang rekord sa 61-7-2 (39 KOs) sa kanyang ika- 70th career fight , kung saan ang nasabing panalo ay maaring mangamoy ng rematch kontra naman sa kanyang karibal na si Floyd Mayweather.

“I’m willing to fight Floyd Mayweather again. If he is willing to come back to the ring,” ayon kay Pacquiao.“Tell him to come back in the ring and we will fight again.”

Si Pacquiao, na nagwagi ng WBA crown noong nakraang taon sa ika 7th round kontra sa retired na si Lucas Matthysse, ay nakalikom ng $10 million para sa kanyang 36-minute na laban kontra kay Broner,.

Nakkauha din ng porsyento si Pacquiao para sa kanyang uang bayad sa t pay-per-view fight buhat pa noong 2016 sa showdown kontra kay Mexican Jessie Vargas para sa e World Boxing Organization 147-lb title. AP