Inaabisuhan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang lahat ng motorista na umiwas sa ilang kinukumpuning kalsada sa pagpapatuloy ng road reblocking sa ilang bahagi ng Metro Manila.

Nagmamando ng trapiko ang operatiba ng PNP-HPG sa EDSA, Quezon City. (MARK BALMORES, file)

Nagmamando ng trapiko ang operatiba ng PNP-HPG sa EDSA, Quezon City. (MARK BALMORES, file)

Ayon kay DPWH-National Capital Region (DPWH-NCR) Director Ador Canlas, ang rehabilitasyon ng kalsada ay nagsimula bandang 11:00 ng gabi nitong Biyernes sa EDSA northbound pagkalampas ng Oliveros Street, pangalawang lane mula sa bangketa; at sa southbound matapos ang Lagarian Creek hanggang Ernie Garcia sa tabi ng MRT.

Gagawin din ang Batasan Road northbound bago mag-Payatas Road, first lane; southbound ng C-5, sa harap ng SM Aura; at bago ang approach ng Pasig Boulevard C-5 flyover.

National

5.9-magnitude na lindol, yumanig sa Southern Leyte; Aftershocks at pinsala, asahan!

Kukumpunihin din ang southbound ng Mac Arthur Highway, mula sa kanto ng Calle Cuatro, Caloocan City; at Mindanao Avenue, mula northbound sa P. Dela Cruz patungong North Luzon Expressway sa Valenzuela City.

Pinapayuhan ang mga motorista na dumaan sa alternatibong ruta hanggang sa muling buksan sa trapiko ang nabanggit na mga kalsada bandang 5:00 ng umaga sa Lunes, Enero 21.

Mina Navarro