NAGKAKAISA ang Philippine Sports Commission (PSC) at Philippine Olympic Committee (POC) sa panawagan na higit na palakasin ang programa para sa kababaihang atleta.
Bilang tugon, isasagawa ang ‘Women Spots Summit’ sa Marso kaalinsabay sa pagdiriwang ng bansa sa Women’s Month.
Ayon kay PSC Commissioner Celia Kiram sa TOPS (Tabloid Organization in Philippine Sports) Usapang Sports kahapon malaki ang kontribusyon ng kababaihang atleta sa tagumpay ng bansa sa international competition sa nakalipas na mga taon.
“In the last Asian Games, mga babaeng atleta ang naging dangal ng Philippine team,” sambit ni Kiram patungkol kina weightlifter Hidilyn Diaz, skateboarder Mary Jean Didal at golfer Yuka Saso.
Ayon kay Cynthia Carrion, head ng POC Women’s Sports, malaki ang itinaas ng bilang ng mga babeng atleta na nagiging kampeon sa team Philippines.
“That is why we have to give them more attention and program,” aniya.
Sinabi naman ni Kiram na patuloy ang suporta ng PSC sa Women’s Martial Arts Festival na patuloy na lumalawak ang partisipasyong ng mga kababaihan, maging ng mga ina at miyembnro ng Indegenous.
“In my first year as PSC commissioner there were about 500 participants in the Women’s Martial Arts Festival,” pahayag ni Kiram. “Last October, it balooned to 1,600. That is why I want this program institutionalized so that we can get more funds from the PSC and bring this festival to Visayas and Mindanao also.”
-Edwin Rollon