Tatlong magkakasunod na sunog ang naganap sa magkakahiwalay na barangay sa Quezon City, iniulat kahapon ng Bureau of Fire Protection (BFP).

Sa ulat ni Quezon City Fire Marshal Senior Supt. Jaime Ramirez, unang nagkaroon ng sunog sa isang residential area sa Cubao, dakong 9:00 ng gabi nitong Miyerkules.

Lumiyab ang bahay ni Magin Duran, nasa hustong gulang, at nadamay ang katabing apat na bahay sa Barangay San Martin De Porres.

Ayon sa arson probers, faulty electrical wiring ang sanhi ng insidente, at nasa P200,000 ang naabong ari-arian.

National

PH History, ibabalik na bilang subject sa high school?

Pagsapit ng 3:00 ng umaga kahapon, sumiklab ang apoy sa isang hotel sa No. 60 Timog Avenue sa Bgy. Laging Handa.

Nabatid na nagsimula ang apoy sa ikaanim na palapag ng gusali na electrical room, at ayon sa mga arson probers ay nasa P1 milyon ang halaga ng natupok.

Naabo rin ang bahay ng 20 pamilya sa NIA Road, Bgy. Pinahan, bandang 12:00 ng tanghali kahapon.

Ayon sa BFP, nasa P300,000 ang halaga ng naabong ari-arian at patuloy na inaalam ang sanhi nito.

Walang iniulat na nasugatan sa tatlong sunog.

-Jun Fabon