ASAHAN na mas maraming babaeng atleta ang magbibigay ng dangal sa Team Philippines sa mga susunod na international competition tulad ng Olympics.

download

Kumpiyansa dito sina  Philippine Sports Commission (PSC) Commissioner at Women Sports Committee chief Celia Kiram at ang kanyang pakner sa Philippine Olympic Committee (POC) na si Cynthia Carrion ng Gynmastics Association of the Philippines (GAP).

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

"There are now more women in sports who excel in their respective sports. Hidilyn is only one of them," sambit ni Kiram sa kanyang pagbisita sa 6th "Usapang Sports" ng Tabloid Organization in Philippine Sports (TOPS) nitong Huwebes sa National Press Club sa Intramuros, Manila.

Garantisado umano ang tagumpay ng kababaihan, ayon kay Kiram, tanging babae sa PSC na na-appoint ni Pangulong Duterte,  dahil sa

"the hard work, training and preparation under the able leadership of their respective national sports associations."

"We are very confident about the chances of the Filipina women in sports," aniya.

“I do not want to say that Filipino athletes are not trying enough, but we all know that Filipina women have achieved more success in sports in recent years. Maybe they work harder, try harder.”

Kinatigan ni  Carrion ay pahayag ni Kiram.

“It is the women’s turn to shine. Hidilyn Diaz blazed the way and now more women are taking up the challenge,” sambit ni Carrion, kasabay nang pahayag na lima sa 11 tarket na gintong medalya sa gymnastics sa 30th SEA Games sa Manila, ay magmumula sa women’s squad.

Aniya, 22 percent sa kabuuang 1,500 miyembro ng National Team ay kababaihan, ngunit  70 percent ang tagumpay ng mga ito sa international competition.

Upang higit na maihanda at mapalakas ang hanay ng kababaihang atleta, ipinahayag nina Kiram at Carrion ang isasagawang PSC-POC Women’s Sports Summit sa Marso.

“This is also to show everybody that the POC and PSC can work together to achieve our common objective of bringing honors to the country thru sports,” pahayag ni Carrion, miyembro ng Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (PHILSGOC).

-Edwin Rollon