IKINASAL sina Christian Bautista at Kat Ramnani last November sa Bali, Indonesia.

Christian at Kat copy

Kumusta na ang buhay may-asawa?

“Very happy sa mga adjustments na nagaganap. Sanay ako sa pagiging independent at gumagawa ng sariling desisyon. Marriage change all that dahil dalawa na kaming nagpapasiya sa lahat ng bagay. Di nga ba’t there is a saying that two heads is better than one?” sabi ni Christian.

Tsika at Intriga

Doc Willie tapos na sa 1st round ng chemo: 'Pasensya na wala na 'kong buhok...'

“Napaka-erratic ng sched ng isang entertainer at nauunawaan ito ng aking asawa, and for that I am very thankful.”

Abala si Christian sa pre-Valentine concert niya with Julie San Jose titled The Sweetheart and the Balladeer, na gaganapin sa Iloilo Convention Center sa January 27.

“My wife and I are on a bonding stage at lubhang mahalaga ito sa ikabubuti ng aming pagsasama,” dagdag pa ni Christian, pero nilinaw niyang wala pa sa plano nila ngayon ang magkaanak.

“I love the idea of being a father at may tumatawag na daddy sa akin. Pero huwag muna ngayon. Plano naming magka-baby in two year’s time,” sabi ni Christian.

-Remy Umerez