DAHIL nagkapatawaran na, it’s time for the jokes to begin!

Justin , Jojo

Ilang linggo makaraang humingi ng paumanhin ni Justin Bieber sa teen sensation na si Jojo Siwa dahil sa komento nitong “burn it” sa larawan ng custom car wrap ng huli — na nakasulat ang kanyang pangalan at nakapinta ang mukha sa hood ng behikulo — nagbiro na naman ang pop star sa kontrobersya nang makakita ito ng isang pang Siwa-related item, ayon sa Entertainment Tonight.

“Burn it,” post ni Justin, 24, sa kanyang Instagram Story nitong Biyernes, kasama ang litrato ng libro ng 15-year-old Nickelodeon star at YouTube personality na JoJo’s Guide to Making Your Own Fun: #DoItYourself.

Musika at Kanta

Parokya ni Edgar, stranded sa Sorsogon; hiniritan ng fans ng bagong kanta

Ngunit kasunod na nito ang isa pa niyang caption na, “Haha jk.”

Mukhang hindi naman nagalit si Jojo sa ginawa ni Bieber at nag-share din siya ng litrato na katabi ang cardboard cutout ng Sorry, habang nagpe-pretend siyang binabasahan niya ng kanyang latest literary si Justin.

“Since @justinbieber likes my books now I thought I would read him my new one JoJo and BowBow CANDY KISSES)!!,” caption niya sa larawan.

Nagsimula ang away ng dalawa noong December, nang i-post ng West Coast Customs ang larawan ng bagong customized car wrap ni Jojo, na kinatatampukan ng matitingkad na kulay kasabay ng promosyon ng kanyang D.R.E.A.M. tour.