Tyra Banks, hirap mag-move on sa Lava Walk ni Miss Universe 2018 Catriona Gray
BAGAMAT isang buwan na ang nakalipas mula nang koronahang bilang 2018 Miss Universe si Catriona Gray sa Bangkok, Thailand nitong Disyembre 17, inamin ng supermodel-turned-television host na si Tyra Banks na hindi pa rin siya nakaka-move-on sa Lava Walk ng beauty queen.
"Can’t stop thinking about that #LavaWalk," pagbabahagi ni Tyra sa kanyang latest tweet na higit 1,561 beses nang ni-retweet at may mahigit 11,000 likes nitong Enero 10.
Ibinahagi ng supermodel ang kanyang reaksiyon matapos ipakita ni Catriona ang kanyang iconic na Lava Walk sa host na si Stephen Walker sa appearance niya sa Celebrity Page Network sa New York, kamakailan.
Sa kanyang guesting, tinuruan ng Miss Universe si Stephen kung paano gawin ang kanyang nag-viral na slow-mo turn, na matagumpay na nagawa ng host. Matatandaang sa preliminary competition ng 2018 Miss Universe pageant inirampa ni Cat ang Lava Walk.
Sinabi ni Cat na kinilig siya sa natanggap na komento mula kay Tyra matapos ng show. "Tutoo ba ito! And when I read, 'Oh my God!' It's just wow! And when one of the Indian newspapers published you're walk, this is insane," pagbabahagi niya sa isang exclusive interview ng host na si MJ Marfori sa Bangkok.
Ang reaksiyong ito ni Cat ay tugon sa unang tweet ng popular US reality show America's Next Top Model host, na: "I mean....Pinoy Power to the Max!!!"
Maging ang Vogue Magazine ay napahanga rin sa Lava Walk ni Catriona.
"It takes a lot for a pageant to feel fresh. The entire idea of a competition based primarily on looks is passé, but amid the spectacle of last night’s Miss Universe contest, something special happened. The night’s big winner, Catriona Gray, a 24-year-old model who represented the Philippines, took to the stage and delivered a runway stomp worthy of fashion month," bahagi ng artikulo sa Vogue Magazine.
"Memorable thanks to her confident stride and final twirl, the strut caught the attention of supermodel Tyra Banks, who retweeted the clip and added some America’s Next Top Model–esque commentary," dagdag pa sa artikulo.
Robert R. Requintina