TAGUMPAY ng bansa, inspirasyon sa sambayanan.

GROUPIE! Masayang nakiisa sa photo op si World boxing champion Donnie Nietes sa mga opisyal ng Games and Amusement Board (GAB) (mula sa kaliwa) Commissioner Eduard Trinidad, Chairman Baham Mitra at Commissioner Mar Masanguid. (GAB PHOTO)

GROUPIE! Masayang nakiisa sa photo op si World boxing champion Donnie Nietes sa mga opisyal ng Games and Amusement Board (GAB) (mula sa kaliwa) Commissioner Eduard Trinidad, Chairman Baham Mitra at Commissioner Mar Masanguid. (GAB PHOTO)

Ganito, inihalintulad ni Games and Amusements Board (GAB) Chairman Abraham “Baham” Mitra ang naging tagumpay ni World Boxing Organization super flyweight champion Donnie ‘Ahas’ Nietes.

Nadugtungan ni Nietes ang listahan ng Pinoy world champion nang angkinin ang bakanteng WBO title via split decision kontra Kazuto Ioka ng Japan by split decision bago ang Bagong Taon sa Wynn Palace sa Cotai, Macau.

6 koponan nagbabalak ligwakin ang PVL; lilipat daw sa bagong liga?

Nakuha ni Nietes ang iskor na 118-110,116-112 at 112-116) sa kanilang 12-round title fight.

Bunsod ng panalo, tinanghal ang 36-anyos na pambato ng Murcia, Negros, bilang ikatlong Pinoy sa kasaysayan na nagwagi ng apat na world title sa magkakaibang dibisyonb.

Ayon kay Mitra, ang tagumpay ni Nietes ay patunay sa galing at husay ng Pinoy sa world boxing.

“We congratulate Donnie (NIetes) for winning theWBO super flyweight title and bringing more honors to the country,” pahayag ni Mitra sa opisyal na pahayag na ipinadala sa Tabloid Organization in Philippine Sports (TOPS).

“Winning a fourth title is really very difficult, but Nietes has shown that he can do it. We are really proud of him,” aniya.

Iginiit ni Mitra na ikinalulugod ng GAB, kabilang sina Commissioners Eduard Trinidad at Mar Masanguid, ang determinado at pambihirang galing ni Nietes.

“Lahat kami dito sa GAB ay masaya dahil sa tagumpay na ito ng kapwa natin Pilipino na si Nietes,” sambit ni Mitra, kamakailan ay naging punong-abala sa makasaysayang World Boxing Council (WBC) Convention nitong Nobyembre sa Philippine International Convention Center.

Nitong Setyembre, nabigo si Nietes ang kunin ang WBO title nang tumabla ang karibal at kababayan na si Aston Palicte. Nakopo niya ang karta sa 42-1-5.

Galing si Nietes sa pambihirang knocked out win kontra Juan Carlos Reveco para madepensahan ang IBF flyweight crown bago nagdesisyon na tumaas ng dibisyon sa super flyweight may isang buwang ang nakalilipas.

Nakasama ni Nietes sa maiksing listahan ng Pinoy champion sina Sen. Manny Pacquaio at Nonito Donaire na Pinoy multi-titled boxers.

Bukod sa WBO super flyweight crown, nakopo rin ni Nietes ang world minimumweight championship, WBO world light flyweight title at IBF world flyweight championship.

Samantala, inaantabayan ng GAB ang resulta sa isinagawang imbestigasyon ng World Boxing Council (WBC) hingil sa isyu na kinasangkutan ni Filipino boxing champion Mark John Yap.

Kinatigan ni WBC president Mauricio Sulaiman ang sumbong ng GAB at nangako ng mabilisang aksyon para mapaliwanagan ang OPBF sa “unfairly stripped of Yap’s Oriental and Pacific Boxing Federation (OPBF) crown.”

Inatasan na ni Sulaiman si WBC chief legal counsel Alberto Leon para mangasiwa sa imbestigasyon.

“I kindly ask you to please take a calm stance and allow the normal procedure to unfold,” sambit ni Sulaiman

-Edwin Rollon