WHEN celebrity couples break up ay career move ang madalas nilang sinasabing dahilan. May narinig na ba kayong nagwika na masyado na silang nasasakal sa isa’t isa at kailangan nila ng space?

Sa kaso ng hiwalayang Sophie Albert at Vin Abrenica, hindi ang dahilan ng kanilang break-up ang isiniwalat nila, partikular si Sophie, kundi ang aral na natutuhan sa pagwawakas ng kanilang relasyon.

“Mahalaga ang respeto sa isa’t isa, at kailangang makipag-compromise at huwag maging too emotional. You still have to live your separate lives,” sabi ni Sophie.

“Another lesson is not to interfere sa trabaho ng karelasyon, at igalang ang anumang desisyon, lalo na’t ukol sa respective career.”

Tsika at Intriga

Doc Willie tapos na sa 1st round ng chemo: 'Pasensya na wala na 'kong buhok...'

Kapwa produkto ng artista search sina Sophie at Vin. Taong 2016 nang una silang mag-break, at after a year ay muli silang nagkabalikan.

Si Vin ay lumagda ng kontrata sa Kapamilya network, habang Kapuso naman si Sophie.

-Remy Umerez