Mas maigting na fire safety at prevention measures ang ipinanawagan ni dating Assistant to the President (SAP) Christopher Lawrence “Bong” Go, sa pagbisita niya sa mga nasunugan sa Barangay Manresa, sa Quezon City, kamakailan.

“Dapat mapalakas ang fire safety and prevention measures natin. Halos araw-araw may nasusunugan, kaya dapat pagtuunan ng pansin at maturuan lahat kung paano maiwasan ang ganitong mga aksidente,” ani Go.

Mahigit 100 bahay ang naabo, habang nasa 200 pamilya ang nawalan ng tirahan sa sunog sa nasabing lugar nitong Sabado, kung saan limang katao ang nasugatan, habang tinatayang nagkakahalaga ng P1 milyon ang mga ari-ariang natupok.

Illegal power connections ang itinuturong dahilan ng sunog, na umabot sa ikalimang alarma.

National

PH History, ibabalik na bilang subject sa high school?

Kasabay ng kanyang pakikipagpulong sa mga nasunugan, nangako si Go na isusulong ang fire safety measures and prevention at pagpapalakas sa Bureau of Fire Protection (BFP).