MISSING pa rin ang pangalan ni Benjamin Alves sa mahabang listahan ng mga nagla-like sa mga posts ni Julie Anne San Jose sa Instagram (IG). Hindi na rin nagko-comment at hindi na ipinagtatanggol ni Benjamin si Julie sa mga patuloy na namba-bash sa singer-actress.

Ang ibig sabihin nito, hindi natupad ang wish ng shippers ng dalawa na maayos ang kanilang problema at ipagpatuloy ang kanilang relasyon. As of today, break pa rin ang dalawa at parang malabong magkabalikan... sa ngayon.

Ang maganda lang sa break-up nina Julie at Benjamin, hindi sila nagsalita, hindi nagpa-interview. Nalaman na lang na break na sila dahil hindi na nila-like ni Benjamin ang post ni Julie at burado na rin ang lahat ng photos nila ni Julie sa IG account niya.

Si Julie naman, nagpagupit at nag-post ng “thank u, next” na title ng song ni Ariana Grande about break up. Sinubukan naming mag-request ng interview kay Julie, pero ngiti lang ang isinagot nito dahil alam na matatanong siya tungkol sa break-up nila ni Benjamin.

Tsika at Intriga

Ethan David sa 'grooming' issue: 'I was the 13 yrs old being referred to!'

Kahit loveless at hindi maganda ang nangyari sa first relationship ni Julie ay tuloy ang buhay at takbo ng career niya. Masigla pa ring napapanood si Julie sa Sunday Pinasaya at Studio 7 bukod pa sa sunud-sunod na concert.

Kasama si Christian Bautista, sisimulan na nila ni Julie ang first leg ng The Sweetheart and The Balladeer concert sa Iloilo Convention Center sa January 27. Makakasama rin nila sina Donita Nose, Super Tekla at Golden Cañedo.

Sa February 10 naman ay sa Cagayan de Oro nila dadalhin ang concert kasama pa rin sina Donita Nose at Super Tekla, pati si Josh Adornado.

May mga susunod pang concert si Julie Anne at ang dinig namin, may solo concert ito at nanghihingi na ng suggestion ng mga kanta na p’wedeng isama sa kanyang repertoire.

-NITZ MIRALLES